Alam naman nating
lahat na ang Basketball,Sepak,Volleyball,Boxing etc.. ay iilan lamang sa mga
Isport na matuturing nating tayo'y bihasa at may kakayanang lumahok at
makipagsabayan sa mga malalaking torneyo sa labas ng ating bansa. Pero
alam niyo bang ang DoTa,Counter-Strike,LoL, Tekken etc.. ay maituturing na ring isport ?
Electronic Sport o mas
kilala bilang eSport ay isang organisasyong nag susulong ng Competetive
gaming,Professional gaming at cybersport sa iba't-ibang larangan ng video games
o online games. Hangarin nitong magamit at mahasa ang mga taong may mga talento
sa larangang ito ng may tamang disiplina.
Gamers naman ang tawag sa mga taong naglalaro nito . Ang MINESKI ay isang internet café ang sinasabing nag pasimulat ng lahat o founder ng Philippine E-sport sa bansa na
kinalaunan ay lumaki at nagkaroon ng iba’t-ibang branch sa pinas.I
prino-promote nila ang PROFESSIONAL
gaming na kung saan ang kanilang mga
Player ay may tamang disiplina at hindi isinasantabi ang pag-aaral. Dahil nga
sa moderno na ang ating panahon at mas kinalalaanan na ng mga kabataan ang
pag-lalaro ng computer games kesa sa mga nakagisnang laro ay maraming talent at
opportunities ang nabuksan. Isa na rito ay ang DoTa,isang strategic-game na
naglalayong wasakin ng bawat kampo ang base ng kalaban. Dahil nga sa hindi lang
mga kamay at daliri ang gumagana ay nahahasa rin ang utak ng mga naglalaro nito
dahil nga sa pag-iisip ng strategy kung paano mapapangalagaan ang kanilang base
o kaya naman ay masira ang sa kalaban. Marami nang nakamit na parangal ang
grupo ng MINESKI sa larangan ng Dota hindi lang sa loob ng bansa maging na rin sa
iba’t-ibang bansa. Hindi biro ang mga kompitisyong sinasalihan dahil galing sa
iba’t-ibang bansa ang mga player na makakaharap nila. Noong 2011 ay sumali sila
sa SMM na may premyong $18.000 o mahigit
800.000 PESOS hindi ito naging madali para sa kanila dahil maraming mga bigating kalaban na bansa tulad ng
China,Malaysia,Singapore at Thailand na kung saan ay ni-rerecognize na ng
kanilang bansa ang eSport.Nabigo man sila sa unang pwesto ay naging 3rd
place pa rin sila kahit papaano at nag uwi ng $16.000 o mahigit 714.000 Pesos.
Ito ang naging unang hakbang upang mas mapalawak ang eSport sa bansa. Sa ngayon
hindi lang pala sa Maynila o kaya naman sa Luzon patok ang ganitong larangan
maging sa Visayas at Mindanao ay marami na ring nadidiskubreng mga talento.

Masasabi kong hindi lang
pala pang palakasan magaling ang mga Pinoy maging na rin sa teknolohiya, ang
mga video games na sinasabing dahilan ng pagkasira ng ating mata ay naging susi
upang mabuksan ang bagong pinto na magdadala sa atin ng tagumpay. Sa ngayon
hindi pa suportado ng ating gobyerno ang larangang ito pero marami nang iba’t-ibang organisasyon na nagtutulong
upang mas mapalawak ito at isa na ako dun dahil nakikita ko na ang ating bansa
ay may malaking potensyal na umunlad sa larangang ito. “Hindi masamang maglaro ng computer games basta wag lang
sobra-sobra at dapat mas priority ang studies para kahit papaano ay alam mong
sure kang may maganda kang future”